Gins puntirya ang quarterfinals
MANILA, Philippines – Matapos mapigilan ang kanilang two-game winning run ay muling tatangkain ng Barangay Ginebra na makamit ang isang quarterfinals berth habang magpipilit naman ang Blackwater na buhayin ang kanilang tsansa sa playoffs.
Lalabanan ng Gin Kings ang Elite ngayong alas-5 ng hapon sa 2015 PBA Philippine Cup sa AUF Arena sa Angeles City, Pampanga.
Nanggaling ang Ginebra sa 86-94 pagkatalo sa Rain or Shine noong nakaraang Linggo kung saan nadiskaril ang hinahangad na ikatlong sunod na panalo.
“Our goal is to get a good positioning in the playoffs and hopefully, we’ll make our way from there and continue on getting better in the process,” sabi ni seven-foot center Greg Slaughter na umiskor ng 19 points at 8 rebounds laban sa Elasto Painters.
Kumpiyansa si Slaughter na masasambot nila ang isang quarterfinals seat sa pamamagitan ng panalo kontra sa Blackwater.
“We got coach Tim, he’s such a great coach and every one is just so enthusiastic about it. We just got to keep on getting better everyday,” ani Slaughter.
Kailangan din ng Elite na manalo para makasama sa 10-team quarterfinals cast.
“No ifs and buts, we have to start winning,” sabi ni coach Leo Isaac sa Blackwater na ang ta-nging panalo ay nang gulatin nila ang Meralco, 92-90 noong Nobyembre 4.
Makaraan ito ay magkakasunod na kamalasan ang sinapit ng Elite laban sa nagdedepensang San Miguel Beermen (83-93), Elasto Painters (81-103), Talk ‘N Text Tropang Texters (98-109) at Globalport Batang Pier (105-120).
Nauna nang tinalo ng Elite ang Gin Kings, 83-77 noong nakaraang PBA Governors Cup.
Bukod kay Slaughter, muling aasahan ng Ginebra sina LA Tenorio, Japeth Aguilar, Mark Caguioa, Jervy Cruz at Chris Ellis, habang itatapat ng Blackwater sina Carlo Lastimosa, JP Erram, James Sena, Reil Cervantes at rookies Arthur Dela Cruz at Keith Agovida.
- Latest