^

PM Sports

Canino sumabit sa top spot

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakigulo sa five-way tie sa top spot si Pinay WFM Ruelle Canino matapos sumulong ng dalawang sunod na panalo sa 9th Eastern Asia Youth Chess Championships 2025, Standard division na nilaro sa Zhuhai, China, Martes ng gabi.

Nilista ng 16-anyos na si Canino ang malinis na dalawang puntos nang pisakin sina WCM Araya Prommuang ng Thailand at Aiying Pi ng China sa rounds 1 at 2, ayon sa pagkakasunod sa Girls Under-18.

Makakalaban ni Canino sa third round ang kapwa two-pointer na si Chinese woodpusher Yige Shi, kailangan nitong manalo para mapalakas lalo ang tsansa sa asam na titulo at Woman International Master, (WIM) title.

Bukod kina Canino at Shi ang ibang perfect sa da­la­wang laro ay sina WCM Nu Quynh Duong Ton ng Vietnam, WCM Bayarsaikhan Khulan ng Mongolia at Jingyi Peng ng host country.

Samantala, nagpakitang gilas din sa Boys 18-Under sina International Master-elect Christian Gian Karlo Arca at FM Ivan Travis Cu na nagtala rin ng magkahiwalay na panalo para ilista ang two-points.

Tinalo ni Arca sina Hoang Quan Vo ng Vietnam (R1) at Yibai Ren ng China (R2) habang pinisak ni Cu sina AIM Hao Loong Yee ng Malaysia sa unang laro at Jing Xi Jonathan Lee ng Singapore sa pangalawang  laban nito.

 

CHESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with