^

PM Sports

Villanueva, Melindo nalo sa Pinoy Pride 34

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi naman naging impresibo sa kanilang mga panalo ay makapagpapaganda pa rin ito ng mga boxing record nina Filipino boxers “King” Arthur Villanueva at Milan Melindo.

Tinalo nina Villanueva at Melindo ang kanilang mga foreign rivals sa pamamagitan ng split decision victories sa main card ng Pinoy Pride 34 noong Sabado ng gabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City.

Dinaig ni Villanueva, nagmula sa pagkatalo kay McJoe Arroya sa isang IBF super flyweight title match, si Mexican Victor Mendez mula sa kanyang 116-112 at 117-111 puntos sa dalawang judges.

Ang ikatlong judge ay nagbigay kay Mendez ng 115-113.

Pinaganda ni Villa-nueva ang kanyag ring record sa 28-1 ngunit nabigong mapabagsak si Mendez.

Sa kabila nito ay nakamit pa rin ni Villanueva ang bakanteng WBC international super flyweight title.

Isang split decision win din ang kinuha ni Melindo kontra kay Mexican Victor Emmanuel Olivo mula sa kanyang 94-96, 96-94, at 96-94 sa kanilang flyweight bout.

Si Olivo ay naging late replacement para kay Carlos Fontes at hindi alam ni Melindo ang istilo ng Mexican fighter.

Nanggaling si Melindo mula sa isang technical decision loss kay Javier Mendoza, may 33-2 record ngayon, noong Mayo.

Samantala, pinabagsak naman ni AJ Banal si Emilio Norfat sa second round at pinahinto ni Rocky Fuentes si Indonesian Afrizal Tamboresi sa second round ng kani-kanilang eight-round fights.

ARTHUR VILLANUEVA

CARLOS FONTES

EMILIO NORFAT

HOOPS DOME

INDONESIAN AFRIZAL TAMBORESI

JAVIER MENDOZA

LAPU-LAPU CITY

MELINDO

MENDEZ

MEXICAN VICTOR EMMANUEL OLIVO

VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with