Alaska swak sa quarters
MANILA, Philippines – Nagpasabog si small forward Sean Anthony ng 14 sa kanyang 21 points sa fourth quarter para makabangon ang NLEX mula sa 20-point deficit sa third period.
Sa gitna nito ay hindi tumawag ng timeout si coach Alex Compton para sa Alaska.
“I wasn’t really happy with our decisions in the fourth, and I could’ve taken timeouts at different times to stop the bleeding, but I really want our guys to learn on the fly and grow,” ani Compton.
Sinandigan ng Aces sina Dondon Hontiveros, JVee Casio, Cyrus Baguio at Sonny Thoss sa huling limang minuto ng final canto para talunin ang Road Warriors, 89-81, at sikwatin ang unang quarterfinals seat sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Thoss na may 16 points para sa ikatlong sunod na panalo ng Alaska kasunod ang tig-11 markers nina Vic Manuel at Rome Dela Rosa, habang napigilan ang two-game winning roll ng NLEX.
Mula sa 42-31 bentahe sa halftime ay kinuha ng Aces ang 20-point advantage, 64-44, mula sa jumper ni Casio sa 3:11 minuto ng third quarter.
Nakipagtulungan naman si Anthony kina Jonas Villanueva at Rico Villanueva sa fourth period para idikit ang Road Warriors sa 81-87 sa huling 1:07 minuto.
Sinelyuhan ni Thoss ang panalo ng Alaska nang ikonekta ang dalawang free throws sa natitirang 19.5 segundo.
ALASKA 89 - Thoss 16, Dela Rosa 11, Manuel 11, Abueva 10, Menk 9, Banchero 6, Casio 5, Hontiveros 5, Baguio 4, Dela Cruz 4, Exciminiano 3, Jazul 3, Racal 2, Baclao 0.
NLEX 81 - Anthony 21, Villanueva E. 12, Taulava 10, Alas 9, Villanueva J. 9, Enciso 5, Reyes 5, Camson 4, Khobuntin 4, Cardona 2, Lanete 0, Arboleda 0, Apinan 0, Borboran 0.
Quarterscores: 23-15; 42-31; 68-51; 89-81.
- Latest