^

PM Sports

Labanang Tigers at Tamaraws

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang beses tinalo ng University of Sto. Tomas ang Far Eastern University sa elimination round.

Ngunit ayon kay Tamaraws assistant coach Ritchie Ticzon, hindi ito garantiya na muli silang tatalunin ng Tigers sa best-of-three championship series ng 78th UAAP men’s basketball championship.

“We should see it as a challenge to the team. But this is already the Finals, and this is a different ballgame,” wika kahapon ni Ticzon sa kanyang pagdalo sa PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate, Manila.

Tinalo ng UST ni coach Bong Dela Cruz ang FEU ni mentor Nash Racela sa first round, 72-71 at sa se-cond round, 85-76.

“Kailangan naming pagtrabahuhan ‘yun. Ma-lakas ang FEU so kaila-ngan naming pag-aralan kung paano namin sila tatalunin ulit,” wika naman ni Dela Cruz.

Maglalaban ang Tigers at ang Tamaraws sa Game One ngayong alas-3:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Masusubukan din ang tunay na galing sa coaching nina Dela Cruz at FEU coach Nash Racela.

Tinalo ng FEU ang Ateneo, 76-74, mula sa game-winning follow up ni Mac Belo, samantalang pinadapa ng UST ang da-ting kampeong National University, 64-55 sa Final Four para itakda ang kanilang title showdown.

Huling naglaban sa UAAP Finals ang Tamaraws at ang Tigers noong Oktubre 18, 1979 kung saan nagpasabog si American import Anthony Williams ng 35 points para akayin sa korona ang Mendiola-based cagers.

Hindi nakapaglaro ang star player ng UST na si Ed Cordero dahil sa lagnat.

Target ng Tamaraws ang kanilang ika-20 korona, habang puntirya ng Tigers ang pang-19 titulo nila.

Huling nagkampeon sa UAAP ang UST noong 2006 sa pamumuno nina Jojo Duncil at Jervy Cruz matapos ang paghahari ng FEU noong 2005 sa likod ni Arwind Santos.

Muling aasahan ng Tigers sina Kevin Ferrer, Ed Daquioag, Louie Vigil Karim Abdul at Marvin Lee katapat sina Belo, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Raymar Jose at Russel Escoto ng Tamaraws.

Sa unang laro sa alas-10 ng umaga ay magtatagpo naman ang Ateneo Lady Eagles at ang La Salle Lady Archers sa ikalawang step-ladder semis kung saan ang mananalo ang haharap sa nagdedepensang NU Lady Bulldogs sa Finals. (RC)

ACIRC

ANG

ANTHONY WILLIAMS

ARWIND SANTOS

ATENEO LADY EAGLES

BONG DELA CRUZ

DELA CRUZ

ED CORDERO

ED DAQUIOAG

NASH RACELA

TAMARAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with