^

PM Sports

Bolts sinibak ng Broncos sa BCL

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naubusan ng gasolina ang Meralco kontra sa Ulaanbaatar Xac Broncos ng Magnolia, 83-78, upang kapusing makasikwat ng semifinal ticket sa 2025 Basketball Champions League (BCL) Asia kamakalawa ng gabi sa Coca-Cola Arena sa Dubai, United Arab Emirates.

Nakapagtayo ng maagang 13-puntos na bentahe ang Bolts at kontrolado pa hanggang sa third quarter bago madale ng panapos na 22-2 ratsada ng Broncos.

Nalusaw ang 55-48 abante ng Meralco sa dulo ng third quarter dahil sa 13-0 run ng Broncos para maagaw ang lamang, 61-55, papasok sa fourth kung saan sila nagpakawala ulit ng 9-2 run para sa higanteng 70-57 kalamangan.

Sinubukang makahabol ng Bolts subalit kinulang sa oras tungo sa maalat na quarterfinal exit.

Tumikada ng 23 puntos at 14 rebounds si import  Jordon Varnado upang trangkuhan ang Bolts tampok pa ang krusyal na tres upang ilapit sa 78-80 ang koponan sa huling 22 segundo.

Nagdagdag naman ng 22 puntos si Glynn Watson habang may 12 puntos si Bong Quinto bilang katangi-tanging player na may double-digits.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with