Philips Gold vs Cignal para sa 3rd place
LARO NGAYON
(Imus Sports Center, Imus City, Cavite)
1 p.m. -- Philips Gold vs Cignal
3 p.m. -- RC Cola-Air Force vs Meralco
MANILA, Philippines – Mula sa kabiguan sa kani-kanilang do-or-die semifinals matches ay magpipilit ang Phi-lips Gold at Cignal na maibangon ang kanilang mga dignidad.
Pag-aagawan ng Lady Slammers at HD Spikers ang third place sa kanilang banggaan ngayong alauna ng hapon sa classification phase ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament sa Imus Sports Center.
Paglalabanan naman ng RC Cola-Air Force Raiders at Meralco Power Spikers ang fifth place trophy sa alas-3 ng hapon sa inter-club tournament na inihahandog ng Asics at suportado ng Milo, Senoh, Mueller at Mikasa bilang technical partners at TV5 bilang official broadcaster.
Tatanggapin nina Cong. Alex Advincula, Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, vice-mayor Armando Ilano at board member Ony Cantimbuhan ang apat na koponan bukod pa sa PSL delegation nina president Ramon “Tats” Suzara at chairman Philip Ella Juico, kinumpirma ang paggamit ng video challenge system.
Tinapos ng Philips Gold ang double-round eliminations bilang No. 1 team bago sinibak ng Foton, 25-18, 26-24, 25-20, 15-8 sa kanilang do-or-die semifinals.
Pinabagsak naman ng nagdedepensang Petron ang Cignal, 25-20, 26-24, 20-25, 25-13 sa isa pang semifinals match.
Itinakda ng Blaze Spikers at ng Tornadoes ang kanilang best-of-three championship series sa Lunes.
- Latest