^

PM Sports

Ika-2 panalo asam ng TNT

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maliban sa nagdedepensang San Miguel, ang Talk ‘N Text ang ikalawang koponang kinatatakutan sa 2015 PBA Philippine Cup.

Matapos makamit ang unang panalo na 101-97 paggiba sa Mahindra noong Oktubre 31 ay inamin ni coach Jong Uichico na hindi pa naipapakita ng Tropang Texters ang kanilang tunay na porma.

“We’re not where we should be. We’re still groping. We’re still a long way,” wika ni Uichico. “Paunti-unti. Percentage-wise, we’re about 50 percent.”

Target ang kanilang ikalawang sunod na panalo, lalabanan ng Talk ‘N Text ang Meralco ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang bakbakan ng San Miguel at Blackwater sa alas-7 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Muling ibabandera ng Tropang Texters sina Jayson Castro, Matt Ganuelas Rosser at sina rookies Moala Tautuaa at Troy Rosario habang itatapat ng Bolts sina Gary David, Jimmy Alapag, Jared Dillinger, Reynel Hugnatan at Cliff Hodge.

Nagmula ang Meralco ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black sa 90-92 kabiguan sa Elite noong Nobyembre 4.

Samantala, pipilitin naman ng Beermen na makabangon mula sa 84-99 pagyukod sa Rain or Shine Elasto Painters noong Nobyembre 4 na pumigil sa kanilang makapagtayo ng 3-0 panimula.

Sina back-to-back PBA Most Valua-ble Player June Mar Fajardo, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Lutz ang muling sasandigan ng San Miguel kontra kina Mike Cortez, Carlo Lastimosa, JP Erram at Reil Cervantes ng Blackwater.

Ang pabandang tirada ni Lastimosa sa huling segundo ng laro ang nagpanalo sa Elite laban sa Bolts.

“I’am not saying na we can beat San Miguel, but with this win kailangang-kailangan namin talaga,” sabi ni Blackwater coach Leo Isaac.

ACIRC

ALEX CABAGNOT

ANG

ARWIND SANTOS

CARLO LASTIMOSA

CHRIS LUTZ

CLIFF HODGE

GARY DAVID

N TEXT

SAN MIGUEL

TROPANG TEXTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with