Matapos talunin si Rios may pag-asang labanan ni Bradley si Pacquiao
LAS VEGAS – Pinabilib lahat ni Timothy Bradley ang mga tao nang kanyang pabagsakin si Brandon Rios sa ika-siyam na round ng kanilang sagupaan nitong Sabado ng gabi.
Nagustuhan ni promoter Bob Arum, nagsabing maikokonsidera si Bradley na susunod na kalaban ni Manny Pacquiao kung magtatala ito ng magandang panalo laban kay Rios, ang kanyang nakita.
“That was the best Bradley I’ve ever seen,” sabi ni Arum pagkatapos ng laban na sinaksihan ng 5,106 boxing fans sa Thomas and Mack Center.
Inuwi ni Bradley ang WBO welterweight crown at pinagretiro nito si Rios, lumaban na may bigat na 170-pound welterweight.
Sinabi ng 32-gulang na si Bradley, may 1-1 record laban kay Pacquiao na interesado siyang labanan ang Congressman na si Pacquiao.
Bukod kay Pacquiao, puwede ring makalaban ni Bradley, nagsasanay na ngayon sa ilalim ni trainer Teddy Atlas, si light-middleweight Canelo Alvarez o posibleng rematch laban kay Jessie Vargas.
Sinabi Bradley, now 33-1-1 with 13 knockouts, is interested in a third fight with Pacquiao.
Kumita si Bradley ng $1.9 million sa naturang laban at $6 million sa kanyang rematch laban kay Pacquiao noong April 2014. Hindi niya kikitain ito kung hindi si Pacquiao ang kanyang lalabanan.
Ayon sa ESPN, humingi si Pacquiao sa Top Rank ng tape ng laban ni Bradley kay Rios.
- Latest