Pacquiao-Khan fight ‘di totoong naayos na
MANILA, Philippines – Mismong si Bob Arum ng Top Rank Promotions ang maghahayag ng opisyal na laban ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
Pinabulaanan kahapon ni Arum ang napaulat na ‘pagpirma’ ni British star Amir Khan para labanan si Pacquiao sa Abril 9, 2016.
“There’s no deal. There’s no paper that has been signed. Anyone who says or writes that Manny has made a decision on who he’s fighting is lying, plain and simple,” sabi ni Arum.
Lumabas ang naturang report sa Daily Mail sa London.
Sa kabila nito, sinabi ni Arum na pa-tuloy pa rin ang kanilang negosasyon sa kampo ni Khan para labanan si Pacquiao.
Sina Pacquiao, kakandidato para sa isang posisyon sa Senado, at Khan ay dating sparmate sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.
Maliban kay Khan, ang iba pang ikinukunsidera ni Arum para sa magiging pinakahuling laban ni ‘Pacman’ ay sina Timothy Bradley Jr. at Terence Crawford.
Maglalaban sina Bradley, may 1-1 record kay Pacquiao at Brandon Rios sa Linggo.
“We have sent all the tapes of Crawford to (Pacquiao’s manager) Michael Koncz and Manny for him to look at. He already has tapes of Khan. We have to see what happens Saturday with Bradley and Rios,” sabi ni Arum.
Nakatakdang makipagkita si Arum kay Pacquiao ngayong buwan sa Israel.
At sa naturang okasyon ay inaasahang magdedesisyon ang Filipino boxing superstar kung sino ang gusto niyang maging huling laban bago siya magretiro.
“Once we know where everything is at, we’re going to meet with Manny later this month, probably in Israel, and we’ll sit down and let Manny make the decision. But this is Manny’s decision, not mine,” sabi ni Arum sa dating Sarangani Congressman.
- Latest