Azkals talo sa Bahrain
MANILA, Philippines – Nabigo ang Philippine Azkals na maipamalas ang larong ginawa sa unang pagtutuos tungo sa masamang 0-2 pagkatalo sa Bahrain noong Miyerkules ng madaling araw sa 2018 FIFA World Cup Qualifiers sa Bahrain National Stadium.
Naramdaman ng Azkals ang pagod dahil sa magkasunod na away-game para bumigay sa second half na agad na kinapitalisa ng host team sa pag-iskor ng dalawang goals.
Si Ismail Abdul Latif ang umiskor ng unang goal sa 53rd minute bago sinundan ng isa pang goal ni Sayed Adnan Hussain sa 61st minute.
Agresibo ang home team at makailang-beses na naiwanan ang depensa ng Azkals para maipaghiganti ang 1-2 pagkatalo sa nationals na nangyari noong Hunyo 11 sa Pilipinas.
Ang pagkatalo ay nangyari matapos ang magandang laro kontra sa North Korea noong Oktubre 8 nang nahiritan nila ang number one team sa Group H ng scoreless draw.
Nakaapekto ang pagkatalo sa kampanya ng Azkals na umabante pa dahil nanatili sila sa pitong puntos at naiwanan na ng Uzbekistan ng dalawang puntos sa ikala-wang puwesto. (AT)
- Latest