^

PM Sports

Lady Eagles pasok sa finals ng women’s badminton

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinapitan ng Ateneo Lady Eagles ang galing ng dating Rookie-MVP Bianca Carlos at Cass Lim para maisantabi ang twice-to-beat advantage ng karibal na La Salle Lady Archers at kunin ang ikalawang upuan sa UAAP badminton women’s finals.

Noong Sabado nagsimula ang tagisan ng Ateneo at La Salle at kinuha ng una ang 3-1 panalo para magkaroon ng ikaw-o-ako na tagisan noong Linggo na parehong ginawa sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Walang nabago sa ipinakitang husay ng Lady Eagles sa isa pang 3-1 panalo sa Lady Archers para angkinin ang karapatan na labanan ang UP Lady Maroons sa titulo.

Direktang umabante sa finals ang nagdedepensang kampeon Lady Maroons at may thrice-to-beat advantage pa nang walisin ang elimination round.

Ang panalo ng Lady Eagles ay pambawi ng Ateneo nang matalo sa men’s division, 0-3.

May twice-to-beat advantage ang Archers at hindi natinag ang mga beteranong manlalaro sa pangu-nguna nina Gerald Cayanan at Anton Sibayan para sibakin ang Eagles.

Kalaro ng La Salle ang nagdedepensang kampeon National University Bulldogs na may thrice-to-beat advantage din dahil sa 7-0 sweep sa elimination round.

Sa Miyerkules na ang championship round.

vuukle comment

ANG

ANTON SIBAYAN

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

BIANCA CARLOS

CASS LIM

GERALD CAYANAN

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LADY MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with