^

PM Sports

UP cagebelles bumangon mula sa 25-game losing streak sa basket

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinapos ng UP Lady Maroons ang 25-game losing streak sa UAAP women’s basketball sa pamamagitan ng 46-39 tagumpay laban sa Adamson Lady Falcons sa pagbubukas ng second round noong Linggo sa Blue Eagle Gym.

Hindi naging sagabal ang face mask na suot ng beteranang si Bea Daez nang tumapos siya taglay ang 13 puntos. Ang kanyang enerhiya ay dumaloy din sa mga kakampi para makatikim uli ng panalo ang Lady Maroons na huling nangyari noon pang 2013.

May 1-7 baraha ang UP at hindi na sila solong nasa huling puwesto dahil kapantay na nila ang FEU Lady Tamaraws na yumuko sa Ateneo Lady Eagles, 60-51.

Kinuha ng nagdedepensang kampeon National University Lady Bulldogs ang ikawalong sunod na panalo sa 80-40 pagdurog sa UE Amazons habang lumawig sa pito ang dikit-dikit na tagumpay ng La Salle Lady Archers sa inaning 70-63 tagumpay sa UST Tigresses.

Ang Lady Bulldogs na humugot ng 25 puntos kay Shelly Gupilan ay may 24-0 karta na kung isasama ang 16-0 sweep noong nakaraang taon habang ang Ateneo, UE at UST ay magkakasalo sa 4-4 karta.

 

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ANG

ANG LADY BULLDOGS

ATENEO LADY EAGLES

BEA DAEZ

BLUE EAGLE GYM

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with