^

PM Sports

Azkals kondisyon sa pagharap kontra sa Bahrain

Pang-masa

Laro Ngayon (Bahrain National Stadium)

11 p.m. (Manila time) – Bahrain vs Philippines

MANILA, Philippines – Sapat na sa Philippine Azkals ang ikondisyon ang mga isipan upang manalo sa Bahrain sa pagpapatuloy ng FIFA World Cup qualifiers ngayon sa Bahrain National Stadium.

Ang laro ay magsisi-mula sa ganap na ika-11 ng gabi sa Pilipinas at hanap ng Azkals ang maulit ang 2-1 panalo sa Bahrain sa unang laro sa home-and-away game sa Pilipinas noong Hunyo 11.

Ito na ang ikalawang sunod na away game ng nationals at ang una ay nangyari lamang noong Oktubre 8 at nahiritan ng Azkals ang malakas na North Korea ng 0-0 scoreless draw.

Dahil dito ay nanati-ling palaban ang Azkals sa puwesto sa susunod na round sa nakuhang pitong puntos mula sa 2-1-1 panalo, tabla, talo karta sa Group H.

Nananatili ang North Koreans sa unang puwesto bitbit ang 10 puntos habang ang Uzbekistan ang nasa ikalawang puwesto sa siyam na puntos.

Bunga ng mahabang pagbiyahe, hindi na isinalang ni coach Thomas Dooley ang mga manlalaro sa matinding ensayo at pinagtitibay lamang ang mental aspect ng manlalaro para lumabas uli ang galing kahit dayong koponan.

“Training sessions are less intense a little bit. Just something that’s fun. Let them relax. Just getting the mindset ready for the game,” wika ni Dooley.

Kung pagbabasehan ang ipinakita sa North Korea at ang inilalaro ng Bahrain ay may tsansa ang Azkals na sagpangin ang kalaban.

Ang home team ay mayroon lamang isang panalo at tatlong talo para magkaroon ng tatlong puntos.

Pero hindi naniniguro si Dooley dahil alam niyang batid ng home team ang kahalagahan ng makukuhang panalo sa kanilang kampanya.

“They have a chance to take third place and they will come after us like any game,” dagdag ni Dooley.

Nananalig ang coach na lalabas pa rin ang agresibong paglalaro sa depensa at opensa para gumanda ang tsansang walisin ang Bahrain sa dalawang pagtutuos.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AZKALS

BAHRAIN

BAHRAIN NATIONAL STADIUM

GROUP H

LARO NGAYON

NORTH KOREA

NORTH KOREANS

PHILIPPINE AZKALS

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with