^

PM Sports

Tillor, Sorongon kampeon sa Cebu leg ng Milo

Pang-masa

CEBU CITY, Philippines – Isang pa­milyar sa ruta at isang gusto lamang makilala ang kanyang idolo ang nagkampeon sa Cebu leg ng 39th National Mi­lo Marathon kahapon dito.

Nagtala si No­el Tillor ng oras na 01:14:46 para unahan sina Nar­ceso Deterala (01:16:36) at Adonis Singson (01:17:29) sa men’s 21-kilometer event.

Si Ruffa Sorongon ay nagposte naman ng 01:29:05 para talunin si­na Miscelle Gilbuena (01:32:04) at Lizane Abella (01:42:58) sa wo­men’s category.

Sinamantala ng 30-anyos na si Tillor, isang local mechanic sa Cebu, ang pagiging pa­milyar niya sa ruta para ibulsa ang premyong P10,000.

Nagdesisyon naman si Sorongon, isang full-time runner mula sa Da­vao, na lumahok sa Cebu leg para makilala ang kanyang iniidolong si Mary Joy Tabal.

Si Tabal ay ang Milo Marathon Queen at sil­ver medalist sa naka­raang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Nagkampeon si So­ro­ngon noong 2013 sa Ge­neral Santos leg at no­ong 2014 sa Bohol.

Ibinulsa ni Sorongon ang premyong P10,000 at puwesto para sa Milo National Finals sa Dis­yembre 6 sa Angeles, Pam­panga.

Ang tatanghaling Mi­­lo Marathon King at Queen ay ipapadala sa USA para sa tsansang ma­kalahok sa 2016 Boston Marathon.

Mula sa Cebu ay da­dalhin ang Milo Marathon sa General Santos (Oc­tober 18), Davao (No­vember 8), Butuan (No­vember 15) at sa Cagayan De Oro (November 22).

ACIRC

ADONIS SINGSON

ANG

BOSTON MARATHON

CAGAYAN DE ORO

CEBU

GENERAL SANTOS

LIZANE ABELLA

MARATHON KING

MARY JOY TABAL

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with