^

PM Sports

Cignal, Foton umiskor sa Grand Prix

ATan - Pang-masa

Laro sa Martes (The Arena, San Juan City)

4:15 p.m. – Petron vs Meralco

6:15 p.m. – Cignal vs Philip Gold

MANILA, Philippines – Nakitaan ng matin­ding paglalaro ang im­port na si Ariel Eli­zabeth Usher at ang tu­bong Ba­colod na si Fritz Joy Gal­lenero para tu­lungan ang Cignal HD Lady Spikers na makabangon sa 0-2 panimula sa 18-25, 17-25, 25-16, 25-18, 16-14 panalo la­­ban sa nagdedepensang Petron Lady Blaze Spikers sa pagsisimula ng 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, La­guna.

Si Usher ay nagtapos na may 29 kills tungo sa 31 puntos at nagsimula niyang ilabas ang tunay na laro sa ikatlong set, habang si Gallenero ay may 12 at 14 puntos sa atake.

Sumalo sa unang pu­westo ang Foton Tornadoes nang magtala ng 18 puntos si import Lindsay Stalzer tungo sa 25-23, 25-22, 25-16 straight sets win sa Me­ralco Power Spikers sa ikalawang laro.

Sa pagtutulungan ni­na Usher at Gallenero, ang Cignal ay nagkaro­on ng 64-50 bentahe sa attack points.

Lamang ng isa ang Petron sa third set, 15-14, nang angkinin ni Usher ang anim na puntos sa 8-0 bomba upang umabante sa 22-15.

Nagbalikatan ang da­­lawa sa fifth set at nakaungos ang Petron sa 13-11 sa magkasunod na errors ng Cignal at isang atake ni Fille Cainglet-Cayetano.

 

ACIRC

ALONTE SPORTS ARENA

ANG

ARIEL ELI

CIGNAL

FILLE CAINGLET-CAYETANO

FOTON TORNADOES

FRITZ JOY GAL

GALLENERO

PETRON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with