^

PM Sports

Postol kasama na rin sa pagpipilian ni Manny

AC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakuha si Victor Postol ng tiket para sa Manny Pacquiao lottery.

Dahil sa kanyang knockout win laban kay Lucas Matthysse noong Linggo sa Carson City ay napasama sa listahan ng mga maaaring labanan ni Pacquiao ang undefeated boxer mula sa Ukraine.

Kasalukuyan nang nag-uusap ang promoter ni Pacquiao na si Bob Arum at ang kampo ni British star Amir Khan para sa kanilang laban sa Pebrero ng 2016.

Ngunit nakalinya pa rin sina Kell Brook, Terence Crawford, Matthysse at ngayon ay si Postol.

Nang magsanay si Pacquiao para sa kanyang laban kay Chris Algieri noong nakaraang taon ay sumama si Postol sa Ge-neral Santos City bilang isa sa mga sparring partners ni Pacquiao.

Kinuha siya ni Freddie Roach dahil kailangan niya ng isang malaking sparmate na may hawig kay Algieri. Nalaman din ni Roach na mas magaling si Postol kaysa kay Algieri.

Sa isa nilang sparring ay halos mabasag ni Pacquiao ang ilong ni Postol.

“He’s a very good boxer and he could beat Algieri right now,” wika ni Roach kay Postol.

Noong Linggo sa StubHub Center ay inangkin ng 31-anyos na si Postol ang WBC light-welterweight crown mula sa kanyang 10th round knockout kay Matthysse.

Maliban kina Roach at Postol ay walang naniwala sa StubHub Center na mananalo ang Ukrai-nian boxer sa pamamagitan ng knockout.

Sinabi ni Arum sa The LA Times na “Postol will be a force in the 140 and 147 divisions. He is difficult to fight against.”

 

vuukle comment

ALGIERI

AMIR KHAN

BOB ARUM

CARSON CITY

CHRIS ALGIERI

FREDDIE ROACH

KELL BROOK

LUCAS MATTHYSSE

PACQUIAO

POSTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with