Makakasama na uli ni Devance si Tim Cone
MANILA, Philippines – Sinasabing masya-dong dinamdam ng 6-foot-7 na si Joe Devance ang pagkakalipat kay two-time Grand Slam coach Tim Cone sa Barangay Ginebra kaya hindi ito nagpapakita sa Star Hotshots.
Maiibsan na nga-yon ang kalungkutan ni Devance.
Inaprubahan kahapon ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang isang four-team trade na kinasasangkutan ng Star, Ginebra, Barako Bull at Globalport.
Ibinigay ng Hotshots si Devance sa Energy para makuha sina Jake Pascual, dating kamador ng San Beda Red Lions at Ronald Pascual, naging scorer ng San Sebastian Stags.
Dinala naman ng Barako Bull si Devance sa Ginebra kapalit nina Mac Baracael at Prince Caperal.
Ito ang ikatlong pagkakataon na magkakasama sa isang koponan sina Cone at Devance matapos sa Alaska at Star.
Ang 6-foot-6 na si Caperal, dating pambato ng Arellano Chiefs sa NCAA, ay nadakma ng Batang Pier makaraang makuha si veteran big man Dorian Pena mula sa Gin Kings.
Si Ronald Pascual ay nauna nang napasama sa nakaraang three-team trade na kinasangkutan ng San Miguel, Barako Bull at Rain or Shine.
Dinala ng Rain or Shine si veteran guard Ryan Araña sa Barako Bull bilang kapalit ng se-cond-round pick ng Energy sa 2016 Rookie Draft.
Matapos ito ay ibinigay naman ng Barako Bull si Araña sa San Miguel para mahugot si Pascual.
- Latest