^

PM Sports

Average age ng Gilas: 31

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Gilas Pilipinas ang may pinakamatandang koponan na ilalahok sa 2015 FIBA Asia Championship mula sa kanilang average age na 31-anyos.

Sa likod ng Iran, Jordan at Lebanon, ang Nationals ang pang-apat na koponang may pinakama-laking line-up sa kanilang average na 6-foot-5 sa hanay ng 16 teams na sasabak sa FIBA Asia meet na didribol sa Miyerkules sa Changsha, China.

Inaasahang magagamit ng Gilas ang eksperyensa at talino nina Gabe Norwood (30), JC Intal (31), Marc Pingris (33), Ranidel de Ocampo (33), Sonny Thoss (33) at Dondon Hontiveros (38) habang si Asi Taulava ang pinakamatanda sa tournament roster sa edad na 42-anyos.

Ang Chinese Taipei ang ikalawang may pinakamatandang koponan sa average age na 30-anyos, habang ang ibang tropa ay nagpaparada ng mga players na may edad na 20-anyos pataas.

Ang mga koponang may mas batang average age ay ang Qatar (28), Japan (28), Jordan (28), Korea (27), Iran (27), Lebanon (26), Kazakhstan (26), Hong Kong (25), Palestine (25), China (24), India (24), Kuwait (24), Malaysia (23) at Singapore (23).

Iginiit ni   Gilas coach Tab Baldwin na ang Nationals ay “young in terms of time together and training opportunities.”

Bagama’t mas bata sa average age ay angat naman ang Iran, ang titleholder ng FIBA Asia, sa eksperyensa dahil ang kanilang mga players ay naglalaro sa mga FIBA Asia competitions sa nakaraang 10 taon.

Sina seven-foot center Hamed Haddadi (30), point guard Mahdi Kamrani (33) at gunners Nikkha Samad Bahrami (32) at Hamed Afagh (32) ay nasa Iran national team mula pa sa kanilang unang FIBA Asia title run sa Tokushima noong 2007.

Ipaparada din ng Iran team ni coach Dirk Bauermann sina Mohamad Jamshidi (24), Mohamad Saberi (24), Sajjad Mashayekhi (21) at Behnam Yakhchalidehkordi (20).

Sinabi ni Jordan coach Rajko Toroman, isang veteran international coach na humawak sa Iranian at Philippine national teams, na ang Iran ay ang team to beat.

Ipaparada naman ng China ang apat na players na may taas na seven-feet pataas.

Ang babandera sa Great Wall ay sina 7-0 Yi Jianlian, 7-0 Wang Zhelin, 7-1 Qi Zhou at 7-2 Li Muhao.

Ang tanging pinakamatandang player ng China ay ang 35-anyos na si guard Liu Wei, beterano ng 2002 World Cham-pionship at sa nakaraang tatlong Olympics.

ANG

ANG CHINESE TAIPEI

ANG GILAS PILIPINAS

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIP

BEHNAM YAKHCHALIDEHKORDI

DIRK BAUERMANN

DONDON HONTIVEROS

GABE NORWOOD

GREAT WALL

HAMED AFAGH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with