^

PM Sports

Ayuda sa epektibong NSAs hiling ni Sen. Escudero sa PSC na dagdagan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ang Philippine Sports Commission (PSC) na dagdagan pa ang pagsuporta sa mga national sports associations na maaaring maglatag ng epektibong programa para makamit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.

“At the very least, government should be at the forefront of this campaign and reward NSAs (national sports associations) which qualify their athletes in the Olympics through more financial support from the PSC,” wika ni Escudero sa PSC.

“This will give more opportunities to the NSAs to expose their athletes to more international competitions and training,” dagdag pa ng Senador.

Ayon pa kay Escudero, ang pagsuporta ng PSC sa mga NSAs ay nararapat lamang na nakadetermina sa kanilang performance.

Ang mga NSAs na hindi nakakapagbigay ng karangalan sa bansa ay hindi na dapat umasa ng parehas na suporta mula sa komisyon kumpara sa mga NSAs na puwedeng maglahok ng mga atleta sa Olympics at manalo ng medalya sa Asian at Southeast Asian Games.

“Sports’ landscape has changed through the years. We have seen the rise of countries we used to beat in the SEA Games and we are fighting hard just to be able to make it in the middle pack,” ani Escudero.

“So far, we only have one athlete qualified to play in Rio de Janeiro in 2016. But trackster Eric Cray needed to quit his job in the US and had sought private support just to be able to continue with his Olympic dream. Government, in my opi-nion, should take more of the burden in our Olympians’ quests,” dagdag pa nito.

Tinukoy din ni Escudero ang hangarin ni BMX rider Daniel Caluag na makakuha ng tiket para sa 2016 Rio Olympics.

Para magawa ito ay kailangan ni Caluag, ang tanging gold medal winner sa nakaraang Asian Games sa Incheon, Korea, na iwanan ang kanyang trabaho bilang nurse.

Huling nanalo ang bansa ng Olympic medal noong 1996 sa Atlanta mula sa silver medal ni boxer Mansueto Velasco.

Ang kapatid ni Mansueto na si Rhoel ay sumikwat ng bronze medal noong 1992 sa Barcelona.

Matapos si Mansueto ay wala nang atletang Pinoy na nanalo ng medalya sa Olympics, ayon kay Escudero. Sa paglahok sa Olympics simula noong 1924 sa Paris ay nakasikwat lamang ang bansa ng dalawang silver at pitong bronze medals.

ACIRC

ANG

ASIAN GAMES

DANIEL CALUAG

ERIC CRAY

MANSUETO

MANSUETO VELASCO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIO OLYMPICS

SENATOR FRANCIS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with