^

PM Sports

Fernandez pinatalsik ng Kazakh

ACordero - Pang-masa

BANGKOK – Maski naputukan niya sa magka­bilang kilay ang karibal na si Kairat Yeraliyev ay na­bigo pa rin si Filipino bantamweight Mario Fernandez na makuha ang pabor ng mga hurado.

Nakalasap si Fernandez ng 0-3 kabiguan kay Ye­raliyev, ang top-seeded fighter ng Kazakhstan, upang tuluyan nang ma­patalsik sa 2015 ASBC Asian Boxing Championships dito.

Naging epektibo man ang mga left hooks ni Fer­nandez ay nagawa na­­mang kontrolin ni Yera­liyev ang laban patungo sa kanyang unanimous vic­tory.

“Tumatama talaga ‘yung mga hook ko. Pero maganda rin ang straight niya,” sabi ni Fernandez.

Tinalo na ni Yeralivez si Fernandez sa kanilang pagtutuos noong 2013.

Dahil sa mga suntok ni Fernandez ay nagkaroon ng putok si Yeraliyev sa mag­kabilang kilay sa first round.

Ang ikalawang sugat sa mata ni Yeraliyev ay dahil sa isang accidental headbutt kay Fernandez sa dulong bahagi ng se­cond round.

Ito ang ikalawang su­nod na kabiguan ng ABAP-PLDT Philippine team laban sa Kazakhstan matapos ang pagkatalo ni lightweight Charly Sua­rez kontra kay Zakir Safiullin noong Sabado ng gabi.

Nakataya sa torneo ang mga tiket para sa 2015 AIBA World Championships sa Doha, Qatar na nakatakda sa Oktubre.

Nakatakda namang ha­rapin nina light flyweight Rogen Ladon at welterweight Eumir Felix Marcial sina Rakhmankul Avatov ng Kyrgyzstan at No. 2 seed Israil Madrimov ng Uzbekistan, ayon sa pagkakasunod.

Kung mananalo sina La­don at Marcial, parehong kumuha ng 3-0 pa­na­lo sa preliminary bouts, ay papasok sila sa quarterfinals.

Lalabanan naman ni flyweight Ian Clark Bautista, ang gold medal winner sa nakaraang Southeast Asian Games, si Throng Thai Bui ng Vietnam.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIAN BOXING CHAMPIONSHIPS

CHARLY SUA

EUMIR FELIX MARCIAL

FERNANDEZ

IAN CLARK BAUTISTA

ISRAIL MADRIMOV

KAIRAT YERALIYEV

KAZAKHSTAN

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with