^

PM Sports

Curry Sigurado nang darating sa September 5

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinabi ni Most Valuable Player Stephen Curry ng NBA champions na Golden State Warriors sa kanyang Twitter account na bibisitahin niya ang bansa sa Setyembre 5 bilang bahagi ng five-country tour.

“I’m bringing my passion for the game to Asia this Sep with UnderArmour. Get ready! #UARoadshow,” wika ni Curry sa kanyang Twitter account na @stephencurry30.

Nauna nang nagkumpirma ng pagbabalik sa Pilipinas si four-time NBA MVP LeBron James ng Cleveland Cavaliers, tinalo ng Warriors sa nakaraang NBA Finals sa ikalawang pagkakataon matapos noong 2013 bilang miyembro ng NBA titlist na Miami Heat.

Darating si James sa Agosto 19 para sa Nike Rise.

Bago magtungo sa  Manila ay dadaan muna si Curry sa Tokyo, Japan. Matapos ang Pilipinas ay bibiyahe si Curry sa Beijing sa Setyembre 6, sa Chongqing sa Setyembre 7 at sa Shanghai sa Set-yembre 8.

Maliban kina Curry at James, ang iba pang NBA superstars na bibisita sa Pilipinas ay sina Minnesota Timberwolves star guard Ricky Rubio, Kenneth Faried ng Denver Nuggets at si San Antonio Spurs guard Danny Green.

Darating si Rubio sa Agosto 20 para sa isang Adidas event, habang sina Faried at Green ay sa Agosto 28 para sa NBA 3X3 Philippines sa MOA Arena sa Pasay City. (RC)

AGOSTO

CLEVELAND CAVALIERS

DANNY GREEN

DENVER NUGGETS

GOLDEN STATE WARRIORS

KENNETH FARIED

MIAMI HEAT

MINNESOTA TIMBERWOLVES

MOST VALUABLE PLAYER STEPHEN CURRY

PILIPINAS

SETYEMBRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with