PBA, SBP dapat may long-term formula
TOKYO -- Ngayon pa lamang ay dapat nang magkaroon ang PBA at ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng mapagkakasunduang plano para sa pagbuo ng mga susunod na national teams.
Sinabi nina PBA chairman Robert Non at president at CEO Chito Salud na dapat magkaisa ang liga at ang SBP ukol sa programa sa pagbuo ng national team.
“We want a long term formula for the constitution, formation and supervision of the national team,” sabi ni Salud. “We want crystal clear terms of engagement, which all stakeholders could agree to.”
Idinagdag ni Salud na dapat maitakda ang isang komperensya sa loob ng isang taon para magkaroon ang mga stakeholders ng sapat na panahon sa paghahanda sa pagbabago sa FIBA calendar hinggil sa qualifying tournaments para sa World Cup at Olympic Games.
Sa ilalim ng bagong format, ang ilan sa mga FIBA qualifiers ay ilalaro sa Nobyembre, Pebrero at Hunyo simula sa 2017.
Makakasabay naman nito ang PBA season na nagsisimula sa Oktubre at nagtatapos sa Hulyo.
Nagsimula ang pagpapahiram ng PBA ng kanilang mga players sa national teams noong 1990 Asian Games sa Beijing, China.
“We need to sit down with SBP as soon as possible,” wika ni Salud. “It looks like it’s going to be on a quarterly basis and that means quarterly disruptions of the league.”
“We need to find out from our team owners, our stakeholders, how to address this situation and how to look and move forward,” dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Non na dapat magkaroon ng permanenteng kasunduan sa pagitan ng PBA at ng SBP para makabuo ng malakas at palabang national team.
“Kailangan talagang gawan ng konkretong kontrata,” sabi ni Non. “As soon as possible iyan. I think within the year kailangan ayos na iyan.”
- Latest