EZE nagbida para sa panalo ng Altas
MANILA, Philippines - Hindi lamang sina 6-foot-8 Nigerian import Bright Akhuetie at 2014 Most Valuable Player Earl Scottie Thompson ang maasahan ng Perpetual Help.
Humakot si 6’11 Nigerian Prince Eze ng 17 points, 8 rebounds at 2 blocks, habang nagdagdag ng 16 markers si Antonio Coronel para tulungan ang Altas sa 68-55 paggiba sa Generals ng Emilio Aguinaldo College sa 91st NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Kinuha ng Perpetual ang kanilang ikaanim na panalo para patuloy na solohin ang ikatlong puwesto sa ilalim ng five-peat champions na No. 2 San Beda (6-1) at nangungunang Letran (7-1).
Nalimitahan si Akhuetie sa isang puntos mula sa 0-of-8 fieldgoal shooting, samantalang nagkaroon naman si Thompson sprained ankle injury.
Napigilan naman ang tangka ng Generals na maisubi ang pangatlong sunod na panalo.
Samantala, kumamada si Tey Teodoro ng 18 points sa kabuuan ng fourth quarter para pagbidahan ang come-from-behind 90-87 win ng Jose Rizal Heavy Bombers laban sa Mapua Cardinals.
Bumangon ang Heavy Bombers mula sa 18-point deficit sa huling apat na minuto ng laro para resbakan ang Cardinals.
Tumapos si Teodoro na may career-best na 32 points na tinampukan ng kanyang game-winning lay-up sa huling 3.3 segundo.
Mula sa 66-84 pagkakabaon sa Mapua sa huling apat na minuto ng final canto ay nag-init ang mga kamay ni Teodoro para ipanalo ang Jose Rizal.
Sa juniors' division, tinalo ng Mapua Red Robins ang Jose Rizal Light Bombers, 87-39, para sa kanilang 7-1 baraha at iginupo ng EAC Brigadiers ang Perpetual Junior Altas, 88-62, para sa 4-4 marka.
JOSE RIZAL 90 - Teodoro 32, Dela Paz 20, Pontejos 16, Cruz 8, Dela Virgen 5, Abdul Wahab 4, Poutouochi 3, Sanchez 2, Lasquety 0, Aurin 0, Balagtas 0, Grospe 0, David 0.
MAPUA 87 - Oraeme 25, Que 19, Biteng 14, Menina 8, Stevens 6, Aguirre 5, Brana 4, Raflores 4, Serrano 2, Villaseñor 0, Nieles 0.
Quarterscores: 20-21; 38-34; 53-64; 90-87.
PERPETUAL 68 - Eze 17, Coronel 16, Oliveria 8, Dagangon 8, Dizon 5, Thompson 4, Tamayo 2, Bantayan 2, Gallardo 2, Cabiltes 2, Akhuetie 1, Sadiwa 1, Ylagan 0, Elopre 0, Pido 0.
EAC 55 - Munsayac 18, Laminou 12, Onwubere 8, Pascua 6, Mejos 3, Morada 3, Corilla 3, General 2, Bonleon 0, Pascual 0, Diego 0, Mallari 0.
Quarterscores: 12-12; 30-23; 48-38; 68-55.
- Latest