Pacquiao naniniwalang makukuha ng Pinas ang FIBA World hosting
MANILA, Philippines – Sinabi ni Manny Pacquiao na malakas ang laban ng Philippines para makuha ang hosting rights ng FIBA World Cup sa 2019.
Lumipad si Pacquiao patungong Tokyo, Japan bilang bahagi ng delegasyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na magpe-present para sa asam na pagho-host ng world basketball meet tatlong taon mula ngayon.
Sa Philboxing.com report, binigyang diin ni Pacquiao ang pagkahilig ng mga Pinoy sa basketball na malaking puntos para ibigay ang hosting sa Pinas.
Kumpiyansa si Pacquiao na ikokonsidera ito ng FIBA Central Board para piliin ang bansa na ma-ging host.
“I am here to support our country’s bid. Basketball is the most popular sport in our country. Halos bawat sulok ng kahit liblib na barangay ay mayroong basketball court. Ganun kalapit sa puso ng mga Pilipino ang larong basketball. Kaya sana tayo ang manalong host,” sabi ni Pacquiao. “Palagay ko hindi lang naman ang infrastructure o ve-nue and titingnan at ikokonsidera ng FIBA Central Board kundi ang pangkalahatang kakayahan ng isang host. Mas passionate ang mga Pinoy pagda-ting sa larong basketball.
Mabigat na kalaban ang China na pinapaborang maging host dahil nakapagpatakbo na sila ng mga malalaking sporting events tulad ng 2008 Olympics sa Beijing, 2010 Asian Games sa Guanzhou at FIBA Asia men’s basketball championships.
Ngunit muling iginiit ni Pacquiao ang pagmamahal ng mga Pinoy sa basketball.
“Very hospitable tayong mga Pinoy. Masarap at inspired maglaro ang mga players lalo na pag very hospitable ang host,” sabi ni Pacquiao.
Bukod kay Pacquiao, kasama ng Phl delegation si Hollywood actor Lou Diamond Philips na may dugong Pinoy.
Ayon sa ulat, babalik ng Pinas ang Fighting Congressman kasama ang kanyang buong entourage sa Manila sa Sabado ng gabi. (DM)
- Latest