^

PM Sports

Orcollo kampeon ng US Open 8-Ball

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nasiraan ng loob si Dennis Orcollo bunga ng maagang pagbagsak sa one-loss side para kilalaning kampeon sa US Open 8-ball Championship sa Rio sa Las Vegas kamakailan.

 Limang de-kalibreng manlalaro ang pinataob ng 36-anyos na si Orcollo sa loser’s side para umabante sa finals kontra sa naunang walang talo na si Mike Dechaine na kanyang hiniya, 11-9 tungo sa titulo.

Race-to-11 ang tagisan at nakaangat sa 4-0 si Dechaine bago nakuha ni Orcollo ang kanyang tumbok upang maipanalo ang sumunod na apat na laro.

Namuro uli si Dechaine nang kunin ang 9-7 kalamangan pero nakabalik uli ang SEA Games gold medalist sa 9-ball event at ipinanalo ang sumunod na tatlong laro upang makauna sa hill, 10-9.

Walang pumasok sa sargo ni Dechaine at inubos ng tubong Bislig, Surigao del Sur ang mga nakalatag na bola para sa pangalawang panalo sa taon at maiuwi ang gantimpalang $11,000.

Umabot sa 87 manlalaro ang nagtagisan sa kompetisyon  at si Orcollo ay natalo agad kay Shane Van Boening, 9-2.

Nakuha ni Orcollo ang laro kontra kay Amar Kang bago isinunod sina Jason Klatt  (9-1), John Morra (9-7), Rafael Martinez (9-7) at Rodney Morris (9-1) upang pumasok sa finals.

Ang matagumpay na kampanya ay ginawa ni Orcollo matapos pumang-apat sa US Open 10-ball Championship para sa $3,000 premyo.

Nagkampeon sa Super Billiards Expo 2015 Players Championship noong Abril, pumalo na sa $42,404.00 ang kinita sa paglalaro ng bilyar sa taong kasalukuyan.

Sumali rin sina Jeffrey Ignacio at Warren Kiamco at sila ay tumapos na kasalo sa 9th hanggang 12th place para sa $800 pabuya.

AMAR KANG

ANG

DECHAINE

DENNIS ORCOLLO

JASON KLATT

JEFFREY IGNACIO

JOHN MORRA

LAS VEGAS

MIKE DECHAINE

ORCOLLO

PLAYERS CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with