^

PM Sports

Reaves iiwanan na ang Lakers?

Pang-masa

LOS ANGELES — Hin­di tinanggap ni Lakers guard Austin Reaves ang alok sa kanyang four-year, $89.2 million extension.

Dahil dito ay magiging isang free agent si Reaves sa 2026 at maaaring lumagda ng isang four-year, $98 million extension.

Puwede rin niyang iwa­nan ang huling taon ng kanyang kontrata para maging isang unrestricted free agent.

Inaasahang bibigyan ng Lakers ng mas mala­king offer si Reaves para pa­tuloy na makasama nina LeBron James at Luka Don­cic.

Kaugnay nito, kinuha ng Lakers ang No. 36 pick sa NBA Draft mula sa Minnesota Timberwolves kapalit ng hawak nilang No. 45 selection.

Ibibigay ng Boston Cel­tics ang kanilang No. 32 pick sa Orlando Magic kapalit ng Nos. 46 at 57, isang 2026 second-roun­der at 2027 second-rounder.

Dadalhin ng Brooklyn Nets ang kanilang No. 36 pick sa Phoenix Suns ka­palit ng dalawang future se­cond-round picks.

Ilang koponan naman ang tumatarget kina NBA MVP Gian­nis Anteto­kounmpo ng Mil­waukee Bucks, Bam Adebayo ng Miami Heat at Jonathan Ku­minga ng Golden State Warriors.

AUSTIN REAVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with