^

PM Sports

POC hinimok ang mga NSAs na kumuha ng foreign coaches

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinimok ni POC president Jose Cojuangco Jr. ang mga NSAs na kumuha ng foreign coach pero hindi sa pangmahabang kontrata para magkaroon ng bagong kaalaman ang mga local mentors.

“I don’t want a permanent foreign coach. Foreign coaches that comes here, maximum is six months. The more good coaches that comes to the country, the better for us,” wika ni Cojuangco.

Sa ganitong sistema, hindi lamang ang mga atleta  ang makikinabang dahil maraming mapupulot din na diskarte at istilo sa pagko-coach ng mga local mentors.

Umaasa ang POC head na tutugon agad ang mga NSAs lalo na ang mga sports na nagbabalak na magsali ng mga atleta sa 2016 Rio Olympics.

Mula sa 23 NSAs na nagpatala ay nawala na ang table tennis at rowing dahil wala silang manlalaro na puwedeng isabak sa mga Olympic qualifying.

“Sa 21 na natira, limang sports na canoe, cycling, badminton, golf at fencing ang hindi pa nagbibigay ng kanilang mga plano. Sa 16 na nakapagbigay na ay nasa 120 ang kabuuang bilang  ng nais na ipa-qualify,” wika ni POC chairman at kasama sa lima-kataong komite para sa Rio Games na si Tom Carrasco Jr.

Idinagdag naman ni Cojuangco na gagawin ng POC ang lahat ng puwedeng gawin para dumami ang bilang ng manlalaro ng bansa na makapasok sa Olympics.

Sa kasalukuyan ay tanging si Fil-Am tracksters Eric Cray ang nakapasok sa Rio Olympics sa 400m hurdles.

“Ang mga atletang nakapasok sa Olympics na may potensyal na titiyakin nating mabibigyan ng suporta kahit sa pinansyal. Ihihingi natin ito ng supplemental budget mula sa PSC basta talagang deserving,” wika pa ni Cojuangco.

Ang pinakamataas na medalya na napanalunan ng Pilipinas sa prestihiyosong kompetisyon sa mundo ay dalawang pilak na nakuha ng mga boxers na sina Anthony Villanueva at Mansueto Velasco noong 1964 Tokyo at 1996 Atlanta Olympics.

Kasama ang  boxing sa mga nakapagsumite na ng kanilang programa para sa Rio Games bukod pa sa taekwondo, athletics, shooting, judo, tennis, weightlifting, gymnastics, aquatics, archery, equestrian, sailing, triathlon, wrestling at mga team sports ng basketball at rugby. (AT)

ACIRC

ANG

ANTHONY VILLANUEVA

ATLANTA OLYMPICS

COJUANGCO

ERIC CRAY

JOSE COJUANGCO JR.

MANSUETO VELASCO

MGA

RIO GAMES

RIO OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with