^

PM Sports

NBA news-NBA news: Dalembert nakipagkasundo ng 1-year sa Mavs

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo si free-agent center Sam Dalembert sa one-year, $1.4 million veteran’s mi-nimum deal sa Dallas Mavericks, ayon sa source ng Yahoo Sports.

Lumaro si Dalembert para kay coach Rick Carlisle dalawang taon na ang nakakaraan sa Dallas at may pagkakataong lumaro ngayon bilang center sa Mavericks.

Makakasama ni Dalembert sina Zaza Pachulia na nakuha sa Milwaukee, sa center rotation ng Mavericks.

Nawala sa Dallas si Tyson Chandler na napunta sa Phoenix sa free agency at hindi nila nakuha si DeAndre Jordan ng Los Angeles Clippers.

Nais ni Dalembert, 34-gulang na makagawa ng come-back sa NBA at ang pagbabalik sa Mave-ricks ay makakatulong sa kanya.

Dati nang lumaro si Dalembert sa Mavericks, ng 80 games noong 2013-14 season bago siya ibi-nigay sa Dallas New York sa Tyson Chandler trade.

Lumaro si Dalembert ng 32 games sa Knicks bago ni-release noong 2014-15 season at nagpa-hinga na siya ng buong taon.

Heat nagbawas ng tao at pasuweldo

MIAMI— Nagbawas ang Miami Heat ng player  at pasuweldo sa pagte-trade kay Shabazz Napier sa Orlando Magic at Zoran Dragic sa Boston Celtics bago ini-waive si forward Henry Walker.

Si Napier ay nakuha sa first-round ng draft matapos pangunahan ang Connecticut sa 2014 NCAA title at lumaro ng 51 games sa Miami kung saan nag-average siya ng 5.1 points at 2.5 assists. Si Dragic, kapatid ni Heat guard Goran Dragic ay lumaro ng 16 games. Lumaro naman si Walker ng 24 games sa Heat sa nakaraang season.

Dahil dito, nakabawas ang Heat ng $4.1 million sa kanilang payroll sa susunod na season para makatipid sa tax.

Kikita si  Zoran Dragic ng $1.7 million ngayong season, si Napier ay $1.3 million at si Walker ay susuweldo ng  $1.1 million - $100,000 nito ay  iga-guarantee sana sa Aug. 1.

Ibinigay ng Orlando ang 2016 second-rounder sa Miami para kay Napier. Ipinalit naman ng Boston ang protected 2019 second-rounder para kay Zoran Dra-gic bukod pa sa 2020 second-rounder at cash para sa kanyang suweldo sa 2015-16.

Warriors ibinigay si David Lee sa Celtics kapalit ni Wallace

OAKLAND, Calif — Naayos na ng Golden State Warriors ang trade para ibigay si two-time All-Star forward David Lee sa Boston Celtics kapalit nina Gerald Wallace at Chris Babb, ayon sa mga teams nitong Lunes.

Nagkasundo sila noong July 7 pa ngunit kinaila-ngan munang ayusin ng Boston ang iba nilang moves sa free agency bago kunin si Lee.

Si Lee ay nakasama sa All-Star noong 2010 sa pag-lalaro sa New York at noong 2013 sa Golden State. Pero nagka-injury siya sa left hamstring sa huling preseason game noong October  kaya lumiit ang kanyang role sa pagdating ni Draymond Green, runner-up sa defensive player of the year.

Ipinasa ng Warriors si Lee para makabawas sa luxury tax sa susunod na season  dahil nakatakdang sumahod si Lee ng $15.4 million sa huling taon ng kanyang contract habang si Wallace ay kikita lamang ng $10 million sa susunod na season.

Glenn Robinson III kukunin ng Indiana

Nakipagkasundo si free-agent forward Glenn Robinson III sa three-year contract sa Indiana Pacers, ayon sa kanyang agent na si Austin Brown.

Ang 21-gulang na si Robinson ay naging unres-tricted free agent dahil hindi siya binigyan ng Philadelphia 76ers ng qualifying offer.

Pinapirma rin uli ng Indiana sina forwards Lavoy Allen at Shayne Whittington at nakipagkasundo rin kay second-round pick Rakeem Christmas.

ANG

AUSTIN BROWN

BOSTON CELTICS

CHRIS BABB

DALEMBERT

DALLAS MAVERICKS

DAVID LEE

DRAGIC

GLENN ROBINSON

LUMARO

TYSON CHANDLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with