^

PM Sports

Torres at Santos bigo sa ginto sa Singapore Open

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kailangang magpursi­ge ang mga pambato sa women’s long  jump event na sina Marestella Torres at Katherine Khay Santos kung nais nilang makuha ang gintong medalya sa gaganaping 2015 SEA Games sa Singapore.

Ito ay matapos na daigin sina Torres at Santos ng nagdedepensang si Ma­ria Natalia Londa ng In­donesia sa pagsisimula ka­hapon ng dalawang araw na 77th Singapore Open Track and Field Championships sa Singapore Sports Hub.

Nagtala si Londa ng career-best na 6.50m sa ika-limang attempts para ila­gay na lamang ang da­ting SEA Games long jump queen na si Torres at Santos sa ikalawa at ikatlong puwesto sa 6.42m at 6.40m marka.

Ito na ang ikalawang kom­petisyon sa taon ni Torres at nanalo siya ng gin­to sa Philippine Open no­ong nakaraang buwan nang makalundag ng 6.47m.

May dalawang buwan pa para maikondisyon ni­na Torres at Santos ang mga sarili upang pagsapit ng SEA Games ay mas handa na sila para maigu­po ang hamon ni Londa na noong 2013 sa Myanmar ay nanalo ng ginto sa 6.39m lundag lamang.

Kinapos din si Patrick Unso sa hangaring unang ginto ng delegasyong ipinadala ng PATAFA nang malagay din lamang sa ika­lawang puwesto sa pa­bo­ritong 110-m hurdles.

Nanguna sa isinagawang heat, si Unso ay naorasan ng 14.37 segundo at kahit mabilis ito sa kanyang qualifying time sa pang-umagang karera (14.41), malayo ito sa de­terminadong Malaysia runner na si Mat Hassan Mohd Ajmal Aiman na may pinakamabilis na oras na 14.29 segundo.

Sina Jesson Ramil Cid at  Narcisa Atienza ay na­salang din pero hindi pi­nalad na magkamedalya.

Ang SEAG gold me­dalist sa decathlon na si Cid ay sumali sa shot put at nakagawa siya ng personal best na 11.41m pe­ro nangulelat sa limang sumali, habang si Atienza na panlaban sa heptathlon ay nalagay sa ikaapat na puwesto sa women’s jave­lin throw sa 37.25m. (ATan)

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ITO

KATHERINE KHAY SANTOS

LONDA

MARESTELLA TORRES

MAT HASSAN MOHD AJMAL AIMAN

NARCISA ATIENZA

NATALIA LONDA

PATRICK UNSO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with