^

PM Sports

Shopinas sumosyo sa liderato

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagtulong sina vete­ran Michelle Laborte at rookie Kim Dy sa third set para ihatid ang bagu­hang Shopinas sa 25-18, 26-24, 29-27 panalo laban sa Philips Gold at ma­kisosyo sa liderato ng 2015 Philippine Superliga women’s volley­ball tournament All-Fi­lipino Conference sa The Arena sa San Juan ka­hapon.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lady Clickers, nauna nang hu­mataw ng four-set vic­tory laban sa Mane ‘N Tail Lady Stallions sa Biñan, Laguna noong nakaraang linggo.

Tumapos sina Ste­pha­nie Mercado at Cha Cruz na may magkaka­tu­lad na 9 points, habang nagdagdag si Laborte ng 8 points para sa Shopinas sa inter-club wo­men’s volleyball tourna­ment na suportado ng Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.

Nagtuwang sina La­borte at Dy sa third set para sa 28-27 bentahe ng Lady Clickers.

Ngunit napuwersa si Myla Pablo na maka­ga­wa ng net violation sa panig ng Lady Slammers na siyang nagpata­lo sa kanila.

Pinuwersa ng Shopinas ang Philips Gold sa 34 turnovers.

“I can’t really tell when are we going to get our form back. But I’m glad that we’re slowly adjusting. Let’s see how we perform after the long (Holy Week) break,” sabi ni coach Ra­mil De Jesus sa kanyang Lady Clickers.

Nagtala si Michelle Gumabao ng 12 kills pa­ra sa kanyang kabuuang 13 points at nag-ambag si Pablo ng 9 markers para sa Lady Slammers.

Sa ikalawang laro, ti­nalo naman ng Mane ‘N Tail ang Cignal, 27-25, 25-21, 25-21.

ACIRC

BUT I

CHA CRUZ

DE JESUS

HEALTHWAY MEDICAL

HOLY WEEK

LADY CLICKERS

LADY SLAMMERS

PHILIPS GOLD

SHOPINAS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with