Bane nahugot ng Magic sa Grizzlies
MEMPHIS — Nakuha ng Orlando Magic si shooting guard Desmond Bane mula sa Grizzlies kapalit nina Kentavious Caldwell-Pope at Cole Anthony bukod sa apat na unprotected first-round picks at isang first-round pick swap.
Ang paghugot kay Bane ay isa sa mga hakbang ng Orlando para mapalakas ang kampanya sa Eastern Conference.
Lalakas naman ang depensa ng Memphis bukod sa paglalim ng kanilang backcourt at pagpili ng mga draft picks.
“We are very thrilled to welcome Desmond to the Orlando Magic family,” ani Magic president Jeff Weltman kay Bane na makakasama nina Paolo Banchero, Franz Wagner at Jalen Suggs.
Si Bane ay isa sa tatlong NBA players na nagsalpak ng 800 na three-pointers at may 40% 3-point shooting simula nang mabunot sa rookie draft noong 2020.
Tumipa ang 26-anyos na guard ng mga averages na 19.2 points, 6.1 rebounds at 5.3 assists sa 69 games para sa Grizzlies.
- Latest

















