^

PM Sports

IEM asam ang ikalawang sunod na korona

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dadaan sa mahirap na landas ang pagnanais ng Instituto Estetico Ma­nila (IEM) Volley Mas­ters kung ang paghab­lot ng ikalawang sunod na men’s volleyball title ang pag-uusapan.

Kasali ang IEM sa kauna-unahang Spikers’ Turf na magsisimula bukas at balak nilang masundan ang tagumpay na nakuha sa kauna-una­hang men’s tournament ng Shakey’s V-League no­ong nakaraang confe­rence.

Dumami ang maka­ka­laban ngayon ng Volley Master dahil walong koponan ang kasali at nabawasan din ang ka­nilang puwersa dahil wa­la na sina Renz Or­do­ñez, Rudy Gatdula at Eden Canlas na isusu­ot ang uniporme ng Cagayan Valley Rising Suns.

Nasa koponan pa rin sina Jason Canlas, Karl Ian dela Calzada, Carlo Almario, Michael Conde at Jeff Jimenez na siyang Finals MVP.

Pero kailangan ni­lang makabuo ng ma­gandang samahan sa iba pang kasapi na sina Rey­­vic Cerilles, Evan Ray­mundo, Salvador Tim­bal, Guarenio, Gianan, Jophius Banag, Car­lo Cabatingan, Ivan Bacolod, Areem Ta­mayo at Kirk Biliran pa­ra ma­ging solido ang puwersa ni coach Ernesto Balubar.

Inorganisa ng Sports Vision, ang iba pang ka­sali ay ang Cignal, Air Force, Fourbees, Ultera, Army at Champion Infinity na dating Systema Active Smashers na ti­na­lo ng IEM sa tatlong la­ro.

AIR FORCE

AREEM TA

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CARLO ALMARIO

CHAMPION INFINITY

EDEN CANLAS

ERNESTO BALUBAR

EVAN RAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with