Toronto bigo sa Bulls pero nakaumang na sa playoffs
TORONTO -- Maganda ang pakiramdam ng Chicago Bulls papasok sa playoffs.
Umiskor si Jimmy Butler ng 23 points, habang may 18 si Pau Gasol para pamunuan ang Bulls sa 116-103 paggiba sa Raptors.
Nasa kanyang ikalawang sunod na pagkakabilang sa starting five matapos hindi makalaro ng 11 games dahil sa sprained left elbow, nagtala si Butler ng 7 for 8 fieldgoal shooting at may 7 for 9 sa free-throw line.
Nagtala rin ang All-Star guard ng 5 rebounds at 3 assists.
“The more he plays, that rhythm will come back,’’ sabi ni Chicago coach Tom Thibodeau kay Butler. “He’s put a lot of extra work in the last couple of days. Obviously we need him on both sides of the ball.’’
Nag-ambag naman si Tony Snell ng 17 points para sa Bulls na nakalayo ng 1 1/2 games sa Raptors para sa third spot sa Eastern Conference.
Tumapos si Aaron Brooks na may 16 points, habang may 15 si Nikola Mirotic.
Kahit natalo ang Raptors ay halos sigurado na sila sa playoff berth matapos talunin ng Miami Heat ang Boston Celtics at matalo ang Charlotte Bobcats sa Brooklyn Nets.
“There are no moral victories in this league,’’ sabi ni Raptors’ coach Dwane Casey.
Kailangan ng Toronto (42-30) na manalo ng isa o matalo ang Boston para makamit ang kanilang ikalawang sunod na Atlantic Division title.
Umiskor si Greivis Vasquez ng 22 points para sa Raptors kasunod ang 20 ni Demar DeRozan na dinuplkia ang kanyang career high na anim na 3-pointers.
- Latest