Perpetual paborito sa NCAA cheerdance competition
MANILA, Philippines - Hangad ng Perpetual Help na patotohanang sila ang best cheerleading school sa tangka nilang ika-siyam na titulo sa 90th NCAA cheerleading competition sa MOA Arena ngayon.
Isang linggo matapos mag-runner-up sa National Cheerleading Championship, target ng Altas Peps Squad ang panalo sa kompetisyong dinomina nila ng mahigit isang dekada.
Sila ang nanalo sa huling limang taon at nanalo ng walo sa huling 10 pagtatanghal ng kompetisyon sapul nang maisama sa sports calendar ng liga ang cheerdancing, 11 season na ang nakakaraan.
“We’ve been training since last year and we’re optimistic of our chances of winning it again this year,” sabi ni Perpetual Help coach Randolph Rosario. “We don’t want to settle on old routines and stunts so we always made a point to be different and make it more difficult to challenge ourselves year after year.”
Inaasahang magbibigay ng mabigat na hamon sa Perpetual ang Arellano University Dancing Cheers na hangad ang kanilang unang cheerleading title matapos mag-runner-up sa huling dalawang season.
- Latest