^

PM Sports

FEU hangad makamit ang men’s at women’s football titles

Pang-masa

Laro Ngayon (Rizal Memorial Football Stadium)

2 p.m. – FEU vs UP (women finals)

4 p.m. – DLSU vs FEU (men finals)

MANILA, Philippines – Pipilitin ng Far Eastern University na mapanatiling suot ang korona, habang tatangkain naman itong agawin ng De La Salle University sa one-game final ng UAAP Season 77 men’s football tour­nament.

Magtatapat ang Tamaraws at ang Green Booters ngayong alas-4 ng hapon sa Rizal Memorial Football Stadium.

May nakikitang bentahe si FEU ace Arnel Ami­ta para sa La Salle, hangad wakasan ang kanilang 17-taong pagkauhaw sa titulo.

“Marami silang crowd, (parang) may home advantage sila,” wika ni Amita dahil ang venue ng ka­­nilang championship match ay malapit sa La Salle campus.

Tinalo ng Tamaraws ang UP Maroons, 1-0, mu­la sa penalty ni Amita sa extra time para makapasok sa kanilang ikalawang sunod na finals stint.

Hangad ng FEU ang kanilang pang-10 korona.

Ito naman ang unang finals appearance ng La Salle sapul noong 2006.

Tinakasan ng Green Booters ang Ateneo Blue Eagles, 1-0, mula sa goal ni Gelo Diamante.

Samantala, tatargetin naman ng FEU Lady Ta­maraws ang korona sa pagsagupa sa Lady Maroons sa alas-2.

Asam ng Lady Tamaraws ang ‘three-peat’ at ang league-best na ika-10 kampeonato.

AMITA

ARNEL AMI

ATENEO BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

GELO DIAMANTE

GREEN BOOTERS

LA SALLE

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with