^

PM Sports

Bulls iniligtas ni Moore

Pang-masa

CHICAGO -- Tinapos ni E’Twaun Moore si Russell Westbrook at ang Oklahoma City Thunder.

Isinalpak ni Moore ang go-ahead 3-pointer sa natitirang 2.1 secgundo at bumangon ang Chicago Bulls para talunin ang Thunder, 108-105 na tumapos sa apat na sunod na triple-double ni Westbrook.

Matapos ibigay ni Moore sa Bulls ang 107-105 abante, nagkaroon naman ng turnover si Westbrook makaraang matanggap ang inbounds pass at hindi nakita ang libreng si Serge Ibaka.

“Just trying to get a good shot. I should have passed to Serge,’’ sabi ni Westbrook. “That was a bad decision on my part. He was open and I should have hit him.’’

Tumapos si Westbrook na may 43 points mula sa 14-of-32 shooting at nagdagdag ng 7 assists.

Noong Miyerkules sa Oklahoma City ay nag-lista siya ng mga career highs na 49 points at 16 rebounds bukod sa 10 assists sa kanilang overtime victory laban sa Philadelphia.

Si Westbrook ang na-ging unang player na nagposte ng apat na sunod na triple-doubles matapos si Michael Jordan na nagtala ng pitong sunod noong 1989.

Nagsuot ang All-Star MVP ng maskara at headband sa ikalawang sunod na laro matapos magkaroon ng fractured bone sa kanyang kanang pisngi sa kanilang laro sa Portland noong nakaraang Biyernes.

Kumolekta naman si Ibaka ng 25 points at 9 rebounds para sa Thunder.

“He’s not happy that he scored a bunch of points and got a bunch of rebounds and assists and we lost the game,’’ sabi ni Thunder coach Scott Brooks. “Russell is about winning and about winning only.’’

Umiskor si Westbrook ng 19 points sa third quarter para ibigay sa Thunder ang 79-72 abante papasok sa fourth quarter.

Sa Portland, Oregon, kumolekta si LaMarcus Aldridge ng 17 points at 12 rebounds at nakalayo ang Trail Blazers sa se-cond half patungo sa 94-75 panalo laban sa Dallas Mavericks.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Portland ngunit pinagbayaran nila ito nang magkaroon si starting guard Wesley Matthews ng left foot injury sa third quarter.

Nagdagdag si Nicolas Batum ng 15 points at season-high 12 rebounds para sa Trail Blazers na may apat na players na umiskor ng double figures.

CHICAGO BULLS

DALLAS MAVERICKS

MICHAEL JORDAN

NICOLAS BATUM

NOONG MIYERKULES

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

TRAIL BLAZERS

WESTBROOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with