^

PM Sports

Baldwin pumili na ng 16-players

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakapili na si coach Tab Baldwin ng 16-players mula sa 25 na inimbitahang mag-tryout para makasama ni naturalized player Marcus Douthit, sa national pool na pagkukunan ng Gilas Cadet team na sasabak sa Southeast Asian Basketball (SEABA) Championship at sa Southeast Asian Games.

Ang SEABA ay nakatakda sa Abril 27 hanggang Mayo 1 at ang SEA Games ay sa Hunyo 9-15 na parehong idaraos sa Singapore.

Ang mga isinama sa Gilas Cadets pool matapos ang serye ng tryouts na pinamahalaan ni Baldwin katulong sina assistant coaches Nash Racela, Josh Reyes, Mike Oliver at Jimmy Alapag ay sina Baser Amer ng San Beda, Mac Belo ng Far Eastern, Kevin Ferrer ng Santo Tomas U, Jiovanni Jalalon ng Arellano U, Glenn Khobutin ng National U, Ray-Ray Parks ng Hapee Toothpaste, Keifer Ravena ng Ateneo, Thirdy Ravena ng Ateneo, Prince Rivero ng De La Salle, Roy Rosario ng Hapee, Jeron Teng ng De La Salle, Scottie Thompson ng Hapee, Norbert Torres ng Cebuana Lhuillier, Arnold Van Ops-tal ng De La Salle at Almond Vosotros ng Cebuana Lhuillier.

Kung makakabangon naman si guard Garvo Lanete sa kanyang injury ay isasama rin siya ni Baldwin sa national pool.

Magsisimula ang ensayo ng grupo sa Lunes mula alas-8 hanggang alas-10 ng gabi sa Meralco gym.

Sinabi ng dating New Zealand at Jordan coach, iniluklok din sa Gilas Pilipinas squad na lalaban para sa 2016 Olympic slot sa Rio de Janeiro sa pamamagitan ng FIBA Asia Championship sa China, na siya ay “very impressed” sa lahat ng players na inimbitahan sa tryouts.

 Ang SEABA Championship ang qualifying tournament para sa FIBA Asia Championship sa Hunan, China na siya namang regional qualifier ng Brazil Olympiad sa susunod na taon.

“The future of Philippine basketball looks very promising,” ani Baldwin, bubuo rin ng koponan na kabibilangan ng mga PBA players na susuportahan ni Douthit o ni Andray Blatche, ang Gilas Pilipinas’ naturalized center sa nakaraang FIBA Basketball World Cup sa Seville, Spain.

Humihiling ng suporta ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa hanay ng mga coaches, schools, clubs at leagues para sa Gilas Cadet program sa ilalim ni SBP President Manny V. Pangilinan.

ALMOND VOSOTROS

ANDRAY BLATCHE

ARELLANO U

ARNOLD VAN OPS

ASIA CHAMPIONSHIP

BALDWIN

CEBUANA LHUILLIER

DE LA SALLE

GILAS CADET

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with