Davao del Norte pinaghahandaan ang mga bisita sa Palarong Pambansa
Davao del Norte, Philippines — Iba’t ibang atraksyon ang ginagawa ngayon ng Davao del Norte para sa pagdagsa ng mga turista sa 2015 Palarong Pambansa na nakatakda sa Mayo 3-9.
Kasabay ng pagpapaganda sa mga playing venues at billeting quarters at paghihigpit sa seguridad, pinaayos din ng local government units ang mga resorts at mga tourism sites.
Ipinag-utos na ni Go-vernor Rodolfo del Rosario sa mga tourism stakeholders na pagandahin ang mga destinasyon para sa mga bisita sa annual multi-sports competition na magtatampok sa mga student athletes sa elementary at high school level.
Ayon pa sa Governor, ang mga delegado ay iimbitahang madiskubre at maranasan ang iba’t ibang atraksyon sa probinsya.
“We will promote our tourist attractions so they can make the most of their time and learn more about our province,” sabi ni Del Rosario matapos pa-ngunahan ang mangrove planting sa Barangay Cagangohan, Panabo City.
Daan-daang government officials at emplo-yees, residente, volunteers at estudyante ang lumahok sa mangrove planting activity na bahagi ng coastal biodiversity conservation project sa ilalim ng Localized and Integrated Programs and Approaches for Deve-lopment sa pamamagitan ng Ugmad Komunidad (LIPAD-UK).
Ang iba pang bahagi ng programa ay ang organic agriculture, tourism development, grassroots sports development at livelihood development.
Hinuhubog bilang susunod na alternative coastal destination, ang proyekto ay magtatampok sa open-air sea water swimming pool bilang venue para sa grassroots sports development initiative na makakatulong sa mga mahihirap na kabataan sa baybaying dagat.
- Latest