Davis, Anderson kailangang magpahinga
METAIRIE, La. – Sinabi ng New Orleans Pelicans na inaasahan nilang mawawala si Anthony Davis ng hanggang dalawang linggo dahil sa right shoulder sprain habang ang kapwa niya forward na si Ryan Anderson ay inaasahang ‘di makakalaro ng isang buwan dahil sa right knee sprain.
Hindi natapos ni Davis, isang All-Star player na nag-a-average ng 23.9 points, 10.3 rebounds at 2.7 blocks per game sa laban kontra sa Miami noong Sabado nang lumabas siya sa first quarter matapos bumangga kay Hassan Whiteside sa ilalim ng basket.
Kababalik lamang ni Davis mula sa right shoulder sprain na sanhi ng ‘di niya paglalaro sa dalawang regular-season games at sa All-Star game.
Nagkadeperensiya naman ang tuhod ni Anderson sa second quarter sa laro sa Miami nang matapakan siya ni Mario Chalmers matapos ang agawan sa rebound.
- Latest