Oconer sa Stage 1
STA. ROSA, Laguna, Philippines – Huling nakapanalo ng lap si George Oconer noong 2013.
Kaya naman hindi niya naitago ang kanyang kasiyahan nang pangunahan ang 60-kilometer criterium race Stage One ng six-day championship round ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC kahapon ng umaga dito sa Greenfield City.
“Siyempre, masayang-masaya ako kasi first lap win ko ito since 2013 sa Tuguegarao to Sulano ng Ronda,” wika ng 23-anyos na si Oconer ng PSC/PhilCycling Developmental Team na may premyong P15,000.
“Pero Stage One pa lang ito at marami pang puwedeng mangyari lalo na sa mga susunod na sta-ges,” dagdag pa ng Philip-pine Air Force personnel.
Mula sa peloton ay kumawala ang grupo nina Oconer, inaugural champion Santy Barnachea at Rudy Roque ng Navy-Standard Insu-rance, Chris Joven ng Army at Rustom Lim ng PSC/PhilCycling sa huling apat na laps.
Subalit mas nangibabaw ang determinasyon ni Oconer, anak ni Olympian Norberto Oconer, upang pangunahan ang Stage One sa kanyang tiyempong isang oras, 13 minuto at 15 segundo para isuot ang LBC red jersey sa 120.5-km Calamba-Atimonan Stage Two kahapon ng hapon.
Ang iba pang nasa Top 10 ay sina John Paul Morales ng Navy, Rey Nelson Martin ng Cebu, Marvin Tapic ng Army, Arjay Peralta ng 7-Eleven at Edgar Nieto ng composite team na New Zealand/Denmark.
- Latest