May blood clot nga sa baga si Bosh
MIAMI – Noong nakaraang linggo, sinasabi ni Chris Bosh na sabik na siyang umuwi para maiba-ngon ang Miami Heat.
Pero kailangan muna niyang ibaling sa mas mahalagang bagay ang kanyang atensiyon ngayon.
Maagang natapos ang season ni Bosh matapos ihayag ng Heat na kumpirmadong mayroon siyang blood clot o nagbarang dugo sa isa niyang baga.
Kung hindi ito nakita agad ay maaaring ikinamatay ng 30-gulang na si Bosh na ilang araw nang nilalabanan ang pananakit ng tagiliran at likod.
“He was able to get in front of it early,” ani Heat guard Dwyane Wade na nagsabi ring ang asawa ni Bosh na si Adrienne ang humikayat sa kanya na magpatingin sa doktor dahil hindi nawawala ang pananakit. “That’s the good thing that helps all of us sleep at night.”
Ayon sa Heat, ginagamot at inaalagaan na ng mga Miami Heat team physicians si Bosh sa isang ospital at sinabing maganda naman ang prognosis niya.
Nag-post si Bosh ng litrato sa kanyang social media nitong Sabado na naka-hospital gown at nasa kama na may oxygen tube.
“Thank you for all the messages, love, and support. It has truly lifted my spirits through this tough process,” ang isinulat ni Bosh na may ilang hashtags kabilang ang “Iwillbebacksoon.”
Positibo naman ang pananaw ni Heat coach Erik Spoelstra sa reco-very ni Bosh.
- Latest