^

PM Sports

Todo na lahat ang mga siklista sa Ronda c’ship round

Pang-masa

STA. ROSA, Laguna, Philippines -- Sa tindi ng kompetisyon, kahit sino ay maaaring angkinin ang korona ng Ronda Pilipinas 2015.

“Wide open race ito, kaya kahit sino puwedeng manalo,” sabi ni Mark Galedo, ang 2012 Ronda Pilipinas titlist ng national team, isa sa mga inaasahang magtatangkang umagaw sa korona ni Reimon Lapaza ng Butuan City.

Bubuksan ng 29-anyos na si Lapaza ang kanyang pagdedepensa sa titulo sa pagpapakawala sa six-day championship round ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC.

Isang 60-kilometer criterium race Stage One ang nakalatag para sa halos 100 siklista ngayong umaga sa Greenfield City sa Sta. Rosa, Laguna kasunod ang 120.5-km Stage Two na magsisimula sa Calamba, Laguna at matatapos sa Quezon National Park o “Tatlong Eme” o “Bitukang Manok” sa Atimonan, Quezon kinahapunan.

“Alam kong sa akin nakatingin ang mga kalaban kaya itinuloy ko ang training matapos ang panalo ko last year,” sabi ni Lapaza.

Bukas ay tatahakin ng mga riders, kabibilangan din nina Armyman Irish Valenzuela, Ronald Oranza, naghari sa Luzon qualifying at inaugural champion Santy Barnachea ng Navy-Standard Insurance, 7-Eleven rider Boots Ryan Cayubit, nagkampeon sa Viasayas leg, ang national team at isang composite European squad ang 171.1-km Stage Three sa Lucena, Quezon patungong Rizal.

Sa Pebrero 24 ay mag-uunahan ang mga siklista sa 159-km Stage Four mula sa Malolos, Bulacan hanggang sa Tarlac Provincial Capitol.

Magtatapos ang karera sa pamamagitan ng 8.8-km Stage Seven individual time trial na magwawakas sa Sto. Tomas, ang pinakamataas na lugar sa Baguio, at ang 90-km Stage Eight criterium sa Harrison Ave.

“Pipilitin kong manalo para makuha ‘yung P1 million,” sabi ng 22-anyos na si Oranza. (RCadayona)

 

vuukle comment

ARMYMAN IRISH VALENZUELA

BITUKANG MANOK

BOOTS RYAN CAYUBIT

BUTUAN CITY

GREENFIELD CITY

HARRISON AVE

LAPAZA

MARK GALEDO

RONDA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with