Bullpups dinurog ang Baby Falcons para kunin ang no. 2 seat sa final 4
MANILA, Philippines - Laro ng isang nagdedepensang kampeon ang ipinakita ng National University Bullpups patungo sa kanilang 72-45 demolisyon sa Adamson Baby Falcons sa 77th UAAP juniors basketball playoff kahapon sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.
Si Mark Dyke ay hindi nagpaawat patungo sa kahanga-hangang 23 puntos at 26 rebounds bukod sa dalawang assists at isang steal.
May 15 puntos at 16 rebound ang 6-foot-4 center sa first half para ilayo na ang Bullpups sa 41-21 iskor.
Sina Philip Manalang, Jordan Santa Ana at John Clemente ay naghatid din ng 15, 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Bullpups na nag-bye sa pagbubukas ng step-ladder semifinals bukas.
Nagkaroon ng playoff dahil nagsalo sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto ang NU at Adamson bukod sa pahingang La Salle Zobel sa 9-5 baraha.
May pinakamababang quotient ang La Salle kaya’t sila ang makakalaban ng Adamson para madetermina kung sino ang makakatuos ng Bullpups.
Ang Ateneo Eaglets ay nasa Finals na at may ‘thrice-to-beat’ advantage matapos ang 14-0 sweep sa elimination round. (ATan)
- Latest