JaMychal Green binigyan ng 10-day contract ng Spurs
SANTA CRUZ, Calif. – Pipirma si JaMychal Green ng 10-day contract sa San Antonio Spurs matapos kumalas sa kanilang affiliate team sa 2015 NBA D-League na Showcase, ayon sa sources ng Yahoo Sports.
Iwe-waive ng San Antonio si Austin Daye para magkaroon ng espasyo sa team si Green, sabi pa ng isang source.
Pinag-interesan din ng Memphis Grizzlies, Chicago Bulls, New York Knicks at Philadelphia 76ers ang free-agent forward.
Si Green, 24-gulang ay nag-a-average ng 23 points, 10.7 rebounds at 2.5 assists ngayong season para sa Austin Spurs ng NBA Development League.
Ang 6’9, 220-pounder na si Green ay nakibahagi sa training camp ng Spurs, ngunit na-cut sa team noong Oct. 22.
Ginugol ni Green, lumaro ng college basketball sa Alabama, ang kanyang oras nitong off-season sa ilalim ng kilalang shooting coach ng Spurs na si Chip Engelland.
- Latest