Misyon para sa badminton
May misyon ang Philippine Badminton Association (PBA) at ito ay makapagpadala ng player sa 2016 Rio De Janeiro Olympics.
Mahirap pero posible.
“Our goal is to produce an Olympian and that’s possible we believe despite the toughest badminton countries are here in Asia,” sabi ni PBA-Smash Pilipinas team manager Atty. Jackie Cruz.
Planong ilahok ang Smash Pilipinas National sa mga overseas tournaments sa Iran, Austria at Germany para magpalakas sa kanilang kampanyang sumali sa 2016 Rio Olympics qualifying na magsisimula sa May.
Ayon kay, PBA-Smash Pilipinas foreign head coach Paulus Firman kailangang simulan na ang preparasyon bago ipatupad ng Badminton World Federation (BWF) ang Olympic point system qualifying ranking format sa lahat ng sanctioned competitions.
“Slowly, the players need more exposures in the international play since most of them are very young particularly our seniors and juniors,” sabi ni Paulus na nagsabi ring puwedeng salihan ng Smash Pilipinas ang Iran Fajr International Challenge sa Tehran sa February 12-15, 2015 Austria Open sa Vienna sa February 18-21 at 2015 Yonex German Open sa February 24-March 1.
* * *
Kuwento ni PBA-Smash Pilipinas team manager Atty. Jackie Cruz, nang sumikat ang badminton sa kaagahan ng dekada 2000, napakaraming mga warehouse ang ginawang badminton courts.
Sa mga sports shop, ang dating display na 2-badminton rackets at 8 tennis rackets ay nagkabaligtad, mas dumami ang binebentang badminton racket kaysa sa tennis racket.
Pero nanahimik ng ilang taon ang badminton kaya isa-isang nagsara ang mga badminton courts, kumonti na naman ang mga display na badminton racket sa mga sports shop.
Sa pagtutulungan nina Manny V. Pangilinan at Cong. Albee Benitez, nabuhay ang badminton at nais ng PBA na magtuluy-tuloy ito sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga tournaments yearround para na rin makadiskubre ng mga bagong talents at para na rin ma-develop ang mga players.
* * *
Para makapasok sa Olympics, kailangang lumaro sa BWF sanctioned tournaments na magsisimula sa May 1 hanggang April o May sa susunod na taon upang makaipon ng ranking points.
Kailangan ng mataas na ranking points para ma-ging eligible o mag-qualify para sa Rio Olympics na gaganapin sa August 2016.
May 16 pair sa mixed, men at women’s doubles at 38 slots sa men at women’s singles sa Olympics.
- Latest