^

PM Sports

Kobe Paras malayo pa ang tatahakin bago makarating sa NBA

Joey Villar - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malayo pa ang tata­ha­kin ni Kobe Paras ukol sa pangarap niyang makapaglaro sa NBA.

Ngunit dahil sa kanyang magagandang inilaro sa Los Angeles Cathedral sa isang Southern California high school tour­nament, nagsimula na ang anak ng isang PBA rookie Most Valuable Player na mapalapit sa kan­yang pangarap.

Tinulungan ng 6-6  na si Paras, nagsimulang mag­laro ng high school ball para sa La Salle-Greenhills bago nagtungo sa LA ngayong taon, ang Cathedral na kunin ang come-from-behind 65-63 win para makamit ang San Fernando Valley Invitational title.

Bagama’t ang triple ng kakamping si Milan Acquaah ang naggiya sa koponan sa tagumpay, isa naman si Paras sa namayagpag nang magtala ng average na 16 points sa lahat ng kanilang anim na panalo kabilang ang isang 30-point eruption sa 77-67 semifinal win kontra sa Alema.

Dahil dito, hinirang si Paras sa All-Tournament Team.

“Great win! Thank you to everyone who watched! & a big s/o to Chaminade and the Chaminade SS! I hope my school has a SS section like that,” sabi ni Paras sa kanyang Twitter account @Im_Not_Kobe.

Ginagamit ni Paras, nakatakdang maglaro para sa US NCAA Division I UCLA, ang kanyang United States experience para sa katuparan ng kanyang pa­ngarap na makapaglaro sa NBA.

ALL-TOURNAMENT TEAM

CHAMINADE AND THE CHAMINADE

DIVISION I

KOBE PARAS

LA SALLE-GREENHILLS

LOS ANGELES CATHEDRAL

MILAN ACQUAAH

MOST VALUABLE PLAYER

SAN FERNANDO VALLEY INVITATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with