^

PM Sports

Volleyball yearender: FEU Lady spikers, Cagayan kuminang sa Shakey’s V-League

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kuminang sa unang pagkakataon ang FEU Lady Tamaraws para katampukan ang 2014 season ng Shakey’s V-League.

Nakitaan din ng problema ang ligang inorganisa ng Sports Vision patungkol sa paggamit ng mga imports sa Reinforced Conference pero naayos din ito at nabiyayaan ang Cagayan Valley Lady Ri-sing Suns para maisantabi ang pagkatalo sa Open Conference sa kamay ng Army Lady Troopers.

Nakatulong ang Tamaraws ng paghugot kina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga bilang mga imports pagpasok ng quarterfinals sa first confe-rence para maisantabi ang 2-3 baraha upang maging ikaapat at huling koponan na umabante sa Pool B.

Sampung koponan ang lumahok sa first conference at paborito ang National University Lady Bulldogs na maidepensa ang titulo dahil nasa koponan pa rin sina Dindin Santiago, Jaja Santiago, Myla Pablo, Jen Reyes at Ruby de Leon.

Ngunit sadyang kumapit ang suwerte sa FEU dahil gumanda rin ang laro ng mga datihan sa pangu-nguna nina Bernadette Pons at Remy Palma para ikasa ang 2-0 sweep.

Ang kampeonato ay kauna-unahan din sa liga ni Gonzaga habang si Daquis na dating manlalaro ng FEU sa UAAP ang kinilala bilang Finals MVP.

Naglaro sina  Daquis at Gonzaga sa Army at tinulungan nila ito na magdomina sa Open Confe-rence laban sa nagdedepensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns.

Namuro rin ang Army na makadalawang sunod na kampeonato nang walisin ang lahat ng laro sa elimination round ng Reinforced Conference pero may nangyari na pumabor sa Cagayan.

Naayos ang mga papeles na kailangan ng mga Thai imports ng Lady Rising Suns na sina Am-porn Hyapha at Patcharee Saengmuang.

Nakasama ang dalawa sa ikalawang pagkikita sa elimination round laban sa Army na napanalunan pa ng huli.

Pero nabuo ang che-mistry nina Hyapha at Saengmuang sa mga locals sa pangunguna ni Aiza Maizo-Pontillas at lumabas ito sa best-of-three finals na pinagwagian ng Cagayan, 2-0.

Sa taong ito, sumubok ang pamunuan na maglagay ng men’s division at apat na koponan ang sumali kung saan nagkam-peon ang  Instituto Estetico Manila nang bumangon mula sa pagkatalo sa unang laro sa Systema Active Smashers. (AT)

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ARMY LADY TROOPERS

BERNADETTE PONS

CAGAYAN VALLEY LADY RI

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

DAQUIS

DINDIN SANTIAGO

GONZAGA

HYAPHA

REINFORCED CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with