Assessment ni Camacho: Kayang-kaya ng Pinas ang misyon sa SEA Games
MANILA, Philippines – Base sa kanyang initial meetings sa iba’t ibang sports associations, kumpiyansa ang chef-de-mission ng Philippine team na si Julian Camacho para sa 2015 SEA Games na maaabot ng Pinas ang mis-yon sa Singapore.
“Our primary goal is to improve on our last finish,” sabi ni Camacho, secretary-general ng Philippine Wushu Federation at treasurer ng Philippine Olympic Committee.
Tumapos ang Phi-lippines bilang pampito noong 2013 SEAG sa Myanmar sa naiuwing 29 gold, 34 silver at 37 bronze medals. Ito ang pinakamababang pagtatapos ng bansa sa kasaysa-yan ng SEA Games .
Sinabi ni Camacho na sa 402 medals na itataya sa 36 sports sa Singapore sa June, dapat na maganda ang katatapusan ng kampanya ng Philippines kung makukuha nila ang 10-porsiyento ng total medals.
Umaasa sina POC president Jose Cojuangco at Philippine Sports Commission chaiman Richie Garcia na makapasok ang Pinas sa top five.
Sinabi ni Camacho na kayang manalo ng Philippines ng 50 gold medals kung magpapadala ng full delegation na bubuuin ng 500 athletes para lumahok sa 34 sports sa 36 na pag-lalabanan.
“If only the sports offering thirty, forty or fifty gold medals can win five golds each for our country, and I think there are five of them, then half the job is done,” ani Camacho. “I’m asking five gold medals from each of them. I’m not asking for more,” Camacho added.
Binanggit ni Camacho ang athletics, aquatics, shooting, gymnastics, rowing, canoe kayak at dragon boat bilang mga medal-rich sports sa Singapore SEA Games.
“Then if boxing, taekwondo, wushu and some other sports can win two or three golds each then we can break fifty,” dagdag niya. “Simple mathe-matics.”
Binibisita ng SEA Games management committee na binubuo nina Camacho, POC vice president Jose Roma-santa, Moying Martelino, Chippy Espiritu at Jonne Go ang iba’t ibang sports.
Sinisiguro ng committee na ang mga atletang malaki ang tsansang manalo ay makakapunta sa susunod na SEA Games.
Sa ngayon, ayon kay Camacho, ang meetings sa iba’t ibang national sports associations (NSAs) ay may positibong resulta.
“Some say they can win as many as six gold medals. And if we total them, we’re good for the overall championship. I just hope they can deliver,” aniya.
- Latest