15-sunod na panalo sa Golden State
DALLAS – Inisip ni Stephen Curry na protektahan ang kanyang bukung-bukong nang tumawag ng timeout si Golden State coach Steve Kerr.
Ngunit iba ang nasa isip ni Kerr.
Ito ay ang nahubad na sapatos ni Marreese Speights.
Inangkin ng Warriors ang kanilang franchise-record na 15 sunod na pana-lo sa likod ng 29 points ni Curry matapos talunin ang Dallas Mavericks, 105-98.
“It was a bizarre sequence,” sabi ni Kerr, nagtala ng 20-2 bilang first-year coach.
Matapos mahubad ang sapatos ni Speights nang umatake para sa opensa ng Warriors sa third quarter, ito ay tumalsik sa midcourt.
Habang pabalik sa kanilang court ang Mave-ricks ay pinulot ni Curry ang sapatos at tinangkang ihagis ito kay Speights.
Subalit tinapik ito ni Mavericks center Tyson Chandler at napunta sa sideline na nagtulak kay Curry para magreklamo sa official.
“When I was on the wing, and I saw the shoe, and I immediately thought about my ankles, so I thought, `I got to pick that up before I try to make that move,’” wika ni Curry. “On the other transition, when he went to go get his shoe back, but Tyson thought um, otherwise, I guess. I’ve never seen that happen before.”
Sinabi naman ni Chandler na ang kanyang ginawa ay isang tactical para sa Dallas na tinambakan ng Golden State ng 21 points sa first quarter at 28 points sa second period bago nakalapit sa 7 points sa hu-ling minuto ng final canto.
“You can’t run with a sock on,” ani Chandler, humakot ng 11 point at 12 rebounds para sa kanyang ika-12th double-double. “I was hoping that we could exploit them at the other end until they either had to call timeout or he had to foul. But we didn’t take advantage of it.”
Umiskor si Dirk Nowitzki ng 23 points para sa Mavericks.
Kapwa tumipa sina Curry at Klay Thompson ng tig-17 points sa first half at tumapos si Thompson na may 25 markers para sa Warriors na naging pang-12th NBA team na nagbukas sa isang season na may 20-record.
Sa iba pang resulta, binigo ng Brooklyn ang Charlotte, 114-87; tinalo ng Portland ang Indiana, 95-85; nilusutan ng Orlando ang Atlanta, 100-99; natakasan ng Memphis ang Philadelphia, 120-115; ginapi ng Houston ang Denver, 108-96; pinatumba ng Detroit ang Sacramento, 95-90 at ginulat ng Milwaukee Bucks ang Los Angeles Clippers, 111-106.
- Latest